0


Minsan talaga, may mga taong darating lang sa buhay natin hindi para magstay, kundi para iwan ka lang din, para may matutunan ka. Para patayin ka lang. Pero nasa sa’yp kung hahayaan mong patayin niya lahat ng masaya sa’yo. 



Mula ngayon sa araw-araw na kasama kita, araw-araw ko rin iisipin na I’m a failure. Kasi yon ang pinaramdam mo sa akin. You make me feel like a failure. 

 Hindi pa ba obvious sa’yo kung paano mo ako tinrato dahil sa ego mo?
Mabuti nga magbilangan na tayo, para malaman mo, mapansin mo man lang, sa ating dalawa sana magbigay ka naman. Huwag ka lang puro tanggap nang tanggap, mahal kita pero nakakapagod na. 


Sa susunod, kung may gusto ka sabihin, sabihin mo nang harapan hindi yong dinadaan mo sa kanta. 

Sa tingin ko, kailangan mong magpatawad. Hindi para sa kanya, ha. Kundi para sa sarili mo. Kasi hangga’t hindi ka nagpapatawad, andun ka lang sa past, sa part ng buhay mo na masakit. Isipin mo umiikot yung mundo mo, tapos ikaw nasan ka? Andiyan ka parin.


Sorry ako nang sorry pero hindi ko alam bakit parang lalo ko siyang nasasaktan? 


Di mo ko mahal, Gino. Ang mahal mo ang sarili mo. Kasi kung totong mahal mo ‘ko, magiging masaya ka para sa ‘kin. 


Kung kailangan ko ng tulong mo, hihingin ko. Pero kung hindi ko hinihingi, huwag mo ibigay nang kusa kasi ibig sabihin no’n, kaya ko. Kaya ko sarili ko. Nakaya ko ng wala ka tatlong taon na. 


Sana gano’n kadaling makalimot, pero ang hirap pala, lalo na pag siya ‘yong pangarap mo. ‘Yong pangarap mo na matagal mong pinagkatiwalaan, ‘Yong pinaniwala ka na ito na, nahanap mo na siya. ‘Yong magpapasaya sa’yo, yong hindi ka sasaktan. Pag-aalayan mo ng kanta mo, ng buhay mo. Paano mo makakalimutan ‘yong gano’n.

Mag-post ng isang Komento

 
Top